dugong bughaw na kritiko

welcome to my blog!:) nabuo ito ng wala sa plano.. pero masaya naman ako dahil nagkaroon na rin ako nito. hindi ko alam kung may bumabasa ba nito. kung meron man, mag-enjoy lang kayo! maari din kayong magiwan ng komento.:))

Huwebes, Agosto 25, 2011

depth of feeling

I'm trapped in this corner, knowing nothing but breathing..
How I wish I could be a bird soaring over the sky.
How long would this sanity be?
What should I do to free myself? 
The light blinding outside, provoking me to bid a goodbye..

-nararamdaman yan ni kuya bangus. Nilalamig!:DD

Lunes, Agosto 22, 2011

Ang Pamamaalam

Sa kaunting sandaling nagkasama tayo, labis na kaligayahan ang idinulot mo.
Binigyan mo ng daan ang magkakalayo,
Sa pagmulat ng mata, ikaw na ang hanap
Hanggang pagkagat ng gabi ikaw ang tangan.

Pero ngayon matatapos na ang samahan
Lungkot muli yatang makakamtan
Pero bago mawala hayaang iparating
Ang labis kong pasasalamat sa iyong pagdating.

tribute yan ng classmate ko sa unli niya. Paexpire na ksi. :D

080301

Ang tagal ko ng di nabisita ang blog ko. Ang dami dami kong gustong isulat dito pero walang pagkakataon dahil nga masyadong maraming ginagawa sa school. Anyway, ang daming nangyari di ko inaasahan, wala sa plano at nakakabigla. Nakakaiyak, nakakapagisip, nakakalungkot.

August 3, 2011-nakakatamad ang araw na ito. Di ko alam kung bakit pero di ko masyadong ramdam maggagagalaw. Nilalamig din ako. Nagpasya na kong humiga, nakakaramdam na din ako ng pagkaantok eh. 
9:27pm nakatanggap ako ng mensahe galing sa pinsan ko "ate patay na c papa :'(" bigla akong napatayo at kinuha ang cellphone ko para matawagan siya. Bukod sa ate niyang panganay ako ang una niyang tinext para sabihin ito. Masydo kasi kaming naging close eh. Supe close. Gustong gusto ko ng pumunta sa laguna para damayan sila, kaya lang may pasok pa ko. Sa Sabado pa ko makakapunta dun. Tinitext na niya ko para pumunta. 

Unexpected talaga ang pagkawala ni tito. Nagsisimula ng dumaloy ang maalat na tubig sa mata ko. Nakakainis eh. Di pa dapat. Sobrang namiss ko na agad siya. Prinsesa ang turing nila sakin nung bakasyon, dun kasi ako nagstay sa kanila. Sobrang bait pa niya, maloko din. Nung aalis na ko nakita ko un lungkot sa mga mata niya. Sabi pa niya, tuloy na talaga ang flight mo? At hindi nga natuloy. Hahah. Hmm at ilang beses pang nangyari ung uuwi, hindi portion. Nangako ako na babalik sa sembreak. Pero wala na siya. Sabi niya lilibutin namin ang mundo bago siya mawala pero ngaun wala na ang pangako, wala na lahat. :(

Sa araw ng libing lumuluha din ang langit habang hinahatid namin siya sa huling hantungan.. 
Huling sulyap, huling pamamaalam. Mahal kita Tito! Alam ko kailangan mo ng magpahina. We will miss you.

Hay, ito ang buhay.. Lahat tayo mamamatay, kaya dapat habang andito pa tayo sa mundo i-cherish natin ung every moment, every second na kasama natin ung mahal natin sa buhay. Walang nakakaalam kung kailan tayo o sila mawawala, kaya kung mangyari man un wala tayong pagsisisihan.





Miyerkules, Agosto 3, 2011

Yakap

   HUGGING is healthy. It helps the immune system, cure depression, reduces stress and induces sleep. It's invigorating, rejuvenating, and has no unpleasant side effects. Hugging is nothing than a miracle drug.

   Hugging is all natural. It is organic, naturally sweet, no artificial ingredients, nonpolluting, environmentally friendly,and 100 percent wholesome.
 
   Hugging is the ideal gift. Great for any occasion, fun to give and receive, shows you care, comes with its own wrapping and, of course fully returnable.
 
   Hugging is practically perfect. No batteries to wear out, inflation-proof, nonfattening, no monthly payments, theft-proof and nontaxable.
 
   Hugging is an underutilized resource with magical powers. When we open our hearts and arms, we encourage others to do the same.
 
   Think of the people in your life. Are there any words you'd like to say? Are there any hugs you want to share? Are you waiting and hoping someone else will ask first? Please don't wait! Initiate!   

   Ansarap sa pakiramdam kapag niyayakap ka ng mga mahal mo sa buhay.. Yung tipong ang bigat bigat ng dinadala mo at hindi mo alam kung paano ilalabas ito tapos biglang may yumakap sayo. Wow! Ito na to. Mailalabas mo na ang nasa loob mo.

   Isang araw na punong puno ng pighati, poot, kalungkutan. Gustong gusto kong magwala, sumigaw, mang-away! Ngunit hindi maari. Hanggang sa niyakap ako ng kaibigan ko. Umiyak ako. Hindi lang basta iyak, kundi hagulhol. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko. Down na down talaga ako.Pag mulat ko, umiiyak na din sila. Naramdaman siguro nila ung sakit na nararamdaman ko. Maging sila pinigil na hindi maiyak subalit hindi na din napigilan ang mga luhang gustong gustong pumatak.

   Salamat sa yakap. Simpleng bagay lamang ito subalit tinulungan nitong mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

  Milagro nga sigurong maituturing ang isang simpleng yakap. Nung umuwi ako sa bahay namin, narinig ko sa radyo na may isang babaeng taga-India na pumupunta sa iba't-ibang lugar, bansa upang mamigay ng yakap. Oo, yakap lang pero ayun sa mga niyakap niya nakakagaan daw sa pakiramdam. Kakaiba. Gumagaan ang loob nila. Hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ang galing. Ang galing galing niya at ang bait pa.

Lunes, Agosto 1, 2011

Ito na!

  Agosto 2, 2011 sa loob ng isang computer laboratory habang nagaaral kami ng "Psychological Statistics" nabuo ang hindi inaasahan. Pinaplano ko pa lamang ito, hindi pa masyadong detalyado at hindi ko pa din sigurado. Ang tinutukoy ko ay ang BLOG kong ito. Dati-rati nagbabasa lamang ako ng mga blog ng ibang tao lalo na yung kay "GOYO". Nainspire ba ako o echuserang palaka lang na naingit sa kanya? Pero isa ang sigurado ko magaganda talaga ang mga gawa niya! lalo na ung Love & Life, a piece of shit. Teka, blog ko 'to pero bakit siya ang binibida ko? HAHAHA!
   Pasaway na naman ako, imbes na nakikinig sa professor ko heto ako at nagtatype ng unang ipopost ko. Ai, hindi lang pala ako pati ang mga katabi ko. Oo, madami kami at hindi ako nag-iisa. Salamat nga pala kay Jem Irise Rea na tumulong upang mabuo ang blog kong ito. Gayundin kay Marian. Salamat mga kapatid.:)
  Isisinggit ko na din ang surpresang natanggap ko ngayon-ngayon lang. Habang ginagawa ko ito, tinawag ang pangalan ko ng professor namin. Akala ko kung ano na, hindi ko na kasi napapansin ang nangyayari sa paligid ko dahil nga busy ako yun pala ipapakita niya ang nakuha naming grado sa prelims. Habang naglalakad ako papunta sakanya kinakabahan ako. Hindi madali ang asiggnaturang ito, dugo talaga ang utak namin dito. Ayan na malapit na.. Pagsilip ko sa monitor ng computer hindi ko makita ang grado ko hanggang sa umimik na ang nasa likod ko, 93. At ayun nakita ko na! MASAYANG MASAYA ako. Hindi ko alam kong paano ko nakuha ang gradong ito pero masayang masaya talaga ako. Salamat sayo Bro! Da best ka talaga.