dugong bughaw na kritiko

welcome to my blog!:) nabuo ito ng wala sa plano.. pero masaya naman ako dahil nagkaroon na rin ako nito. hindi ko alam kung may bumabasa ba nito. kung meron man, mag-enjoy lang kayo! maari din kayong magiwan ng komento.:))

Lunes, Agosto 22, 2011

080301

Ang tagal ko ng di nabisita ang blog ko. Ang dami dami kong gustong isulat dito pero walang pagkakataon dahil nga masyadong maraming ginagawa sa school. Anyway, ang daming nangyari di ko inaasahan, wala sa plano at nakakabigla. Nakakaiyak, nakakapagisip, nakakalungkot.

August 3, 2011-nakakatamad ang araw na ito. Di ko alam kung bakit pero di ko masyadong ramdam maggagagalaw. Nilalamig din ako. Nagpasya na kong humiga, nakakaramdam na din ako ng pagkaantok eh. 
9:27pm nakatanggap ako ng mensahe galing sa pinsan ko "ate patay na c papa :'(" bigla akong napatayo at kinuha ang cellphone ko para matawagan siya. Bukod sa ate niyang panganay ako ang una niyang tinext para sabihin ito. Masydo kasi kaming naging close eh. Supe close. Gustong gusto ko ng pumunta sa laguna para damayan sila, kaya lang may pasok pa ko. Sa Sabado pa ko makakapunta dun. Tinitext na niya ko para pumunta. 

Unexpected talaga ang pagkawala ni tito. Nagsisimula ng dumaloy ang maalat na tubig sa mata ko. Nakakainis eh. Di pa dapat. Sobrang namiss ko na agad siya. Prinsesa ang turing nila sakin nung bakasyon, dun kasi ako nagstay sa kanila. Sobrang bait pa niya, maloko din. Nung aalis na ko nakita ko un lungkot sa mga mata niya. Sabi pa niya, tuloy na talaga ang flight mo? At hindi nga natuloy. Hahah. Hmm at ilang beses pang nangyari ung uuwi, hindi portion. Nangako ako na babalik sa sembreak. Pero wala na siya. Sabi niya lilibutin namin ang mundo bago siya mawala pero ngaun wala na ang pangako, wala na lahat. :(

Sa araw ng libing lumuluha din ang langit habang hinahatid namin siya sa huling hantungan.. 
Huling sulyap, huling pamamaalam. Mahal kita Tito! Alam ko kailangan mo ng magpahina. We will miss you.

Hay, ito ang buhay.. Lahat tayo mamamatay, kaya dapat habang andito pa tayo sa mundo i-cherish natin ung every moment, every second na kasama natin ung mahal natin sa buhay. Walang nakakaalam kung kailan tayo o sila mawawala, kaya kung mangyari man un wala tayong pagsisisihan.





1 komento: